
Season 1 (2025)
← Back to season list
Episodes 8
Hindi Ito Olympic Level
Tumindi ang kompetisyon sa pagdating ni Zoe, at nag-alok naman ang Olympo ng major sponsorships. Pinilit ni Amaia si Núria na ibigay ang lahat—na may mabigat na kapalit.
Read MoreUmiiyak o Nananalo
Na-guilty si Amaia sa nangyari kay Núria, kaya nahirapan siyang kontrolin ang emosyon niya. Nagpakasaya naman si Zoe sa house party sa gubat at nakipag-hook up pa.
Read MoreHindi, Huwag Ulit
Dahil sa sexuality ni Roque, nawalan siya ng puwesto sa international rugby tournament. Nang maglaho si Núria, nagduda si Amaia at naghanap siya ng pruweba ng doping.
Read MoreMas Mabuti Kung Huminto Ka Na
Nang magbalik si Cristian at nag-alok ng pangalawang sponsorship ang Olympo, nagdulot ng panic ang anti-doping raid. Pinagbintangang traydor si Amaia ng mga kapwa atleta.
Read MoreHindi Kita Makukumbinsi
Dahil sa hindi magandang pangyayari, nagpasya ang HPC Pyrenees na maghigpit sa mga atleta. Agaw-pansin si Cristian sa center habang lalo nang nawalan ng karamay si Amaia.
Read MoreIkaw Talaga ang Paborito Ko
Ibinandera ng Olympo sa media ang mga napili nitong atleta, at nagkatsansa si Amaia na alamin ang totoo tungkol kay Núria. Nagkaproblema naman si Zoe.
Read MoreStrategy ang Tawag Diyan
Nang biglang may magbalik sa center, masaklap ang kinalabasan ng world tournament tests para kay Amaia . May nangyaring mas matindi sa documentary tungkol kay Roque.
Read MoreAmaia Is Always Right
Crunch time na para sa mga atleta ngayong nagko-compete sila sa kabila ng mga pagsususpetsa ng doping, na nagpalala pa sa mga pagdududa sa totoong intensyon ng Olympo.
Read More