Noong banal na araw ng Olympia, pinagdudahan ni Zeus ang kapangyarihan niya. Sa Daigdig, mas inaalala pa ni Riddy—na isang hamak na mortal—ang mga usapin ng pag-ibig.
May naisip si Dionysus para matulungan si Orpheus na makita ang nawawala nitong asawa. Ikinuwento ni Zeus ang plano niya kay Prometheus matapos mainis sa mga mortal.
Gustong gumanti ni Zeus sa mga Trojan dahil sa paglapastangan sa monumento niya. Hiningi ni Ariadne sa tatay niya ang nag-iisang hiling niya sa birthday niya—pagpapalaya.
Naging nakamamatay ang paghahanap sa relo ni Zeus. May namumuong problema sa Kabilambuhay, at hinarap ng matagal nang kaibigan ni Prometheus ang tadhana niya.
Ipinasilip ng Kaparusahan kay Ariadne ang nakaraan ng pamilya niya, at may narinig na sikreto mula sa asawa niya sa kasalukuyan ang lalong napa-paranoid na si Zeus.
Sinikap ni Orpheus na maging malapit kay Riddy—pero malapit na si Riddy sa iba. Naramdaman ni Hades ang buong galit ni Zeus sa pagtitipon ng mga diyos.
Sa Olympus, may barbecue party si Zeus para sa mga diyos para panoorin ang propesiyang di-nagkatotoo. Sa Kabilambuhay, naghanda si Riddy sa katuparan ng propesiya niya.
Kinausap ni Hera ang pamilya niya para maprotektahan si Zeus. Pero pagkatapos makaharap ang Tadhana, mukhang paparating na ang Kaos para sa hari ng mga diyos.